RoRo BUS ‘DI PINA-BIYAHE DAHIL SA BAGYO

roro1

(Ni FRANCIS ATALIA)

SINUSPINDE na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang biyahe ng mga RoRo bus dahil sa Bagyong ‘Usman’.

Iniutos ni LTFRB Chairman Martin Delgra na huwag nang paalisin sa mga terminal ang mga RoRo bus lalo na yung bimibiyahe sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.

Sa weather bulletin ng Pagasa kaninang 11AM, bumagal ang kilos ng bagyo habang papalapit sa Eastern Samar na huling namataan sa 450 kilometers East ng Surigao City, Surigao Del Norte.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pag-bugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.

6

Related posts

Leave a Comment