Sa gitna ng COVID pandemic ‘RECORD-HIGH’ UNEMPLOYMENT, NAITALA SA PINAS

IKINALUNGKOT ng Malakanyang ang “record-high” unemployment rate sa buwan ng Abril.

Para kay Presidential spokesperson Harry Roque, hindi na ito nakagugulat dahil sa epektong dala ng lockdown measures sa Luzon.

Umakyat kasi ang unemployment rate sa 17.7 percent noong Abril na may katumbas na 7.3 million Filipino workers.

Iniulat ni National statistician Claire Dennis Mapa na ito ang preliminary results ng labor force survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).

“We are saddened – albeit unsurprised – by the April 2020 unemployment rate released by the Philippine Statistics Authority which registered at 17.7%,” ayon kay Sec. Roque.

“A resiliency program, such as but not limited to active labor market programs, job matching and skills upgrading, is likewise being prepared to help insulate our people from future similar crises,” pagtitiyak ni Roque. CHRISTIAN DALE

134

Related posts

Leave a Comment