(NI BERNARD TAGUINOD)
MATAPOS ilabas ang listahan ng mga nakapasa sa University of the Philippines College Admiission Test (UPCAT), nagpaalala ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga bagong iskolar ng bayan na gawin ang kanilang responsibilidad tulad ng paglaban sa katiwalian.
“Help fight corruption, apathy, and falsehoods,” mensahe ni House Assistant Minority leader Salvador Belaro Jr., sa mga bagong iskolar ng bayan sa prestihiyosong unibersidad.
Ayon sa mambabatas, kailangang din isaisip ng mga Isko at Iska ang kapakananan ng mga mahihirap, marginalized sector, working middle class at iba pa na siyang “lifeblood” ng bansa.
“While studying and after graduating, serve all Filipinos, the country well as befits the service motto of the University of the Philippines,” ayon pa sa mambabatas.
Kahapon, Abril 1, 2019, matapos ang limang buwang paghihintay ay inilabas na ng UP ang listahan ng mga nakapasa sa UPCAT na isinagawa sa 18 test centers sa buong bansa noong Oktubre 27-28, 2019.
Nabatid na mahigit 100,000 ang kumuha ng UPCAT subalit 17% lamang umano ang nakapasa at makapag-aral sa UP ngayong School Year 2019-2020.
353