SALAMAT SA SUPORTA, DALANGIN SA HUSTISYA — MANGUDADATU

(NI BERNARD TAGUINOD)

MATAPOS makamit ang hustisya, hindi lang para sa kanyang asawa at mga kaanak, kundi sa mga kagawad ng media at iba pang sibilyan na brutal na pinatay ng ilang miyembro ng angkan ng mga Ampatuan dahil sa pulitika, nagpasalamat si Maguindnao Rep. Esmael ‘Toto’ Mangudadatu sa mga Filipino na sumuporta at mananalangin para sa mga ito.

“Ako, kasama ang aking mga anak, kapatid at kamag-anakan…ang mga pamilyang naulila…ay lubusang nagpapasalamat sa inyong pagdalangin at suporta upang makamit natin ang katarungang ating hinintay ng sampung taon,” ani Mangudadatu.

Kasama sa pinatay sa tinaguriang Maguindanao massacre noong Nobyembre 23, 2009, ang asawa ni Mangudadatu, tatlong kapatid na babae at 32 kagawad ng media, mga supporters at ilang sibilyan.

Disyembre 19 ay sinentensyahan ni Judge Jocelyn Solis-Reyes, ng Quezon City Regional Trial Court Branch 211 ng reclusion perpetua, o habambuhay na pagkabilanggo sa 57 countst of murder ang 28 sa mga suspek na kinabibilangan ng 7 Ampatuan.

Kabilang na rito sina Datu  Zaldy ‘Puti’ Ampatua, Datu Andal ‘Unsay’ Ampatuan Jr., Datu Anwar Zajid ‘Ulo’ Ampatuan at hindi na isinama ang kanilang amang si Andal Sr., dahil namatay na ito ilang taon na ang nakararaan.

“Bagama’t hindi lahat ng akusado ay nahatulan ng pagkakakulong, kami ay nagagalak pa rin dahil ang mga dapat masakdal ay nakatakda nang makulong pang habang-buhay,” ani Mangudadatu.

Sinabi ng kongresista na dahil sa suporta ng mga Filipino at pangalangin ng mga ito ay nakamit ng mga biktima ng karumaldumal na krimen ang katarungan matapos ang 10 taon.

“Hindi po sapat ang mga salita upang maihayag ko ang aming taos-puso at lubos na pasasalamat sa Diyos at sa inyong panalangin para sa amin. Ang sampung taong paghihintay ay naging makabuluhan dahil tayo ang  kinatigan ng hustisya,” ani Mangudadatu.

“Ang pangyayaring ito ay patunay lamang na buhay na buhay ang hustisya sa ating bansa at hindi kailan man magiging mali ang pagpili sa tama at pagtitiwala ng lubos sa Diyos at sa ating saligang batas. Muli ang taos-puso naming pasasalamat,” dagdag pa nito.

 

183

Related posts

Leave a Comment