SENADO DUDA PA RIN SA MISLATEL

telecom

(Ni NOEL ABUEL)

INAMIN ni Senador Grace Poe na maraming senador ang nagdadalawang-isip na aprubahan ang prangkisa ng kumpanyang Mislatel para maging ikatlong telecommunications player sa bansa.

Tinukoy ng senadora ang pagkakasangkot ng bansang China sa nasabing usapin dahilan upang mangamba ang mga kasamahan nito na bigyan ng pagkakataon na magmay-ari ang isang dayuhan ng isang mahalagang serbisyo sa bansa.

Sa ikaapat at huling pagdinig ng Senate committee on public services, hindi malayong makuha ng China ang kontrol sa Mislatel, na binubuo ni Dennis Uy ng  Udenna Corporation at Beijing-led China Telecommunications Corporation (China Telecom), kung kaya’t hindi dapat mag-relax ang Kongreso sa ownership limits sa ilalim ng Public Service Act.

Sinegundahan naman ito ni Poe sa pagsasabing hindi nito masisisi ang mga senador sa naging desisyon ng mga ito.

“Kaya nga nade-delay ang amendments to the Public Service Act. Dati malakas na ang naging suporta dito pero ngayon, may mga kasamahan ako sa Senado at hindi ko sila masisisi sa dami ng interes ng China sa ating bansa ngayon,” ayon pa  kay Poe.

Paliwanag pa ni Poe na hindi lang interesado ang China sa Philippine telecommunications industry subalit gayundin sa surveillance.

Idinagdag pa nito na kokonsultahin muna nito ang mga miyembro ng komite bago isumite  ang report para sa plenary discussion bago tuluyang magbakasyon ang Kongreso sa susunod na linggo.

343

Related posts

Leave a Comment