SIMBAHAN, AWTORIDAD NASISI SA PATAYAN SA NEGROS ORIENTAL

(JOEL O. AMONGO)

ISINISI sa kapabayaan ng mga lider ng simbahan at mga awtoridad ang mga insidente ng patayan sa Negros Oriental sa mga nakalipas na panahon.

Lumutang ito sa Balitaan sa Tinapayan sa Maynila, kung saan napag-usapan ng mga panelista na kinabibilangan nina Atty. Ariel Jawid, John Rena, director ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at Manila Police District Public Information Officer Major Philipp Ines, ang kaso ng 50 katao na biktima ng pamamaslang sa nasabing lalawigan.

Ayon kay Atty. Jawid, ang mungkahi at panawagan niya sa mga obispo, lahat ng archbishops, mga ministro, pastor ay dapat silang makialam sa nakikitang mali sa paligid.

“Kapag hindi mo ginawa ang mabuti, gumawa ka ng kasalanan. Nanood ka lang sa harapan ng injustice, nanonood ka lang, nagmimiron ka lang wala kang ginagawa ni hindi ka kumikibo, ‘di ba?

Kasi natakot ka, yung hayaan muna na lang sila baka madamay ka,” ani Atty. Jawid.

“Ayon kasalanan yun, ngayon yung mga obispo na masasabi mga minamahal na parukyano o baguhin natin, obligasyon ba yun ng obispo? Oo, at lahat ng mga lider ng mga relihiyon, upang ituro sa kanilang tagasuporta, mga alagad, okey, mga tagasunod, okey sumunod kayo at kung nakakita kayo ng kamalian na ginagawa ng mga tao, isumbong ninyo sa PNP, isumbong ninyo dito sa simbahan, isumbong ninyo sa CBCP, isumbong ninyo sa media, hindi lang naman yung pulis, hindi lang yun trabaho ng DOJ, nakuha nyo? Yun ay trabaho natin lahat, lahat tayo walang exempted sa atin,” dagdag pa ni Atty. Jawid.

Natanong din si Atty. Jawid kaugnay sa pagpapataas ng standards of prosecution ng DOJ ngayon sa “without reasonable doubt” at conviction rate sa mga korte. Binigyang-diin ng abogado, “every person presume to be innocent unless proven otherwise”.

“Ako bilang abogado, kailangan liwanagin muna natin ah, medyo mali yung perception ng Kagawaran ng Katarungan ay reasonable, without reasonable doubt mali yan siya, bakit? kasi yung proof of beyond reasonable doubt, husgado lang yun, okey mayroon yang Department Order, ayoko nang gawing idetalye kasi kung baga parang magle-lecture na ako sa remedial law, okey lang naman kung forum ‘to ng law students,” pahayag pa niya.

“Ganito ‘yan kasimple, ang lamang lang ng Department Order ay reasonable certainty, yung reasonable certainty ay hindi binabago, yung requirement sa preliminary investigations, ang tawag dun ay ‘probable cause’ hindi ho binabago yung requirement,” paliwanag pa ni Atty. Jawid.

“Hindi, ang sinasabi lang kayong mga fiscal o prosecutors tingnan ninyo yung ebidensya yung ebidensiya ba sapat ba pagka isinampa yan sa husgado ay may conviction ba?,” pagtatanong pa ni Jawid.

Dapat aniyang matiyak na may sapat na ebidensya ang kasong isinasampa upang hindi masayang ang resources ng gobyerno.

“Mukha ba siyang guilty? Sapat ba yun na mukhang guilty? Mapepreso ka ba kung mukha kang guilty? Ebidensya, di ba? Babatay lamang tayo sa ebidensiya, hindi ito haka-haka, hindi ito agenda hindi ito pananaw, kasi pagka naging pananaw ay marami nang guilty, pasensya na po ha, kaya gusto ko lang dagdagan ang sinabi ni John at ni Major Ines ang VACC lalo na nang nabubuhay pa si Ka Dante Jimenez,” pahabol pa ni Atty. Jawid.

Nauna rito, sinabi ni Rena na itinuturing na korapsyon kapag hindi ginagawa ng isang empleyado at opisyal ng gobyerno na tumatanggap ng sweldo, ang kanilang trabaho.

Sa isang press conference ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Cong. Arnie Teves sa Quezon City kamakailan ay pinuna nito ang pamunuan ng Department of Justice (DOJ) dahil bagama’t walang kaso at hindi pa napatutunayan na may sala ang kanyang kliyente ay nagmistulang guilty na ito sa kanilang pananaw.

Inireklamo rin nito na maging ang kahilingan ng kampo ni Teves na payagan siya sa teleconferencing sa Kamara at sa Senado ay hindi pinagbigyan.

Pinuna rin ni Atty. Topacio na masyadong napagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno si Cong. Teves.

181

Related posts

Leave a Comment