SITWASYON NG OFW SA LIBYA KONTROLADO NG PALASYO

libya26

(NI BETH JULIAN)

TINIYAK ng Malacanang na kontrolado nila ang sitwasyon ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa Libya sa gitna ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Tripoli.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, may ibinigay nang direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte kay Labor Secretary Silvestre Bello III tungkol sa usapin.

Sa ngayon ay patuloy umano ang panawagan ng Philippine Embassy sa mga Filipino sa Libya na magsiuwi na sa bansa.

Siniguro rin ni Panelo ang kaligtasan ng mga OFW sa Libya, maging ang sapat na ayuda ng pamahalaan para sa mga ito, sa kanilang pag-uwi sa bansa kaysa manatili sa Libya.

May inihanda nang team para ipadala sa Libya para sa repatriation sa mga OFW na naroon.

138

Related posts

Leave a Comment