‘OFFICIALLY BACK’ NA SI JOHN LLOYD CRUZ!

johnlloyd1

NAGING  inactive sa showbiz o sa kahit anumang endorsements mula noong October 2017 ang aktor na si John Lloyd Cruz.

Noong mga panahong iyon, sinabi ng ABS-CBN Integrated Corporate Communications head na si Kane Errol Choa na nag-indefinite leave si Lloydie “to attend to personal matters.” Pero ngayon, matapos maging visible sa social media sa pamamagitan ng photos ng mga nakipag-selfie sa kanya sa iba’t ibang lugar, officially back na nga ang aktor.

Ito ay sa pamamagitan ng isang TV commercial. Noong kamakalawa (Lunes, Abril 29), nag-post ng commercial ang Turks, isang popular na shawarma brand kung saan makikita ang aktor na nagta-travel. Nagtapos ito na kumakain siya ng shawarma. Matatandaang nag-post ng “teaser” sina Piolo Pascual at Bea Alonzo na bumabati kay Lloydie sa kanyang pagbabalik sa limelight.

100

Related posts

Leave a Comment