SOLON DISMAYADO KAY BBM SA ‘DI PAGPAPAHALAGA SA IBA’T IBANG WIKA SA PINAS

DISMAYADO ang isang mambabatas kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil hinayaan nito mag-lapse into law ang panukalang batas na magtatanggal sa mother tongue bilang medium of instruction sa kindergarten hanggang Grade 3.

Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, sa ginawa ni Marcos ay mistulang pagtalikod sa iba’t ibang wika sa Pilipinas kaya hindi nito naitago ang kanyang labis na pagkadismaya gayung maaari namang i-veto ito ng Pangulo.

“Ang pag-abandona sa Mother Tongue ay pagtalikod sa iba’t ibang wika ng bansa at ang ambag nito sa iba’t ibang kultura na mayroon ang ating bansa,” paliwanag ni Castro na dating public school teacher.

Ginawa ng mambabatas ang nasabing batas dahil naging Republic Act (RA) 12027 ang panukalang batas na alisin na ang mother tongue bilang medium of instruction sa mga nabanggit na estudyante.

Sa ilalim ng kasalukuyang sistema, otomatikong maging batas ang isang panukala na ipinasa ng dalawang kapulungan ng Kongreso kahit hindi ito pirmahan ng Pangulo sa loob ng 30 araw mula nang matanggap ng kanyang tanggapan ang isang proposed bill.

“Removing the Mother Tongue as a medium of instruction is a step backward from providing better quality education to the youth,” ayon pa kay Castro.

Sa ilalim ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTBMLE) program, hindi gumagamit ng ibang dialect o wika ang mga guro sa pagtuturo sa mga nabanggit na estudyante kundi ang kanilang nakasanayang wika upang mas matuto ang mga ito.

Gayunpaman, tatanggalin na ito kaya balik sa dating sistema kung saan Tagalog at English ang medium of instruction sa basic education.

“As the Department of Education continues to review the Matatag curriculum, it seems to give little to no importance to subjects and methodologies crucial for critical thinking and genuine nationalism,” dagdag pa nito. (BERNARD TAGUINOD)

107

Related posts

Leave a Comment