SOLONS: OIL PRICE HIKE BUBULAGA SA 2020

oil price hike12

(NI BERNARD TAGUINOD)

MASA-SHOCK ang taumbayan sa presyo ng langis simula  Enero 1, 2020 dahil sa third tranche ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) law na posibleng makaapekto, hindi lamang sa presyo ng mga bilihin kundi sa serbisyo publiko.

Ito ang babala nina Bayan Muna party-list Reps. Carlos Zarate at Ferdinand Gaite sa panayam ng Saksi Ngayon, kaugnay ng 3rd tranche ng TRAIN law kung saan muling madaragdagan ang buwis sa mga produktong petrolyo.

“Even if the Department of Energy (DOE) is telling oil companies to first deplete their old stocks before imposing the added excise tax on oil products, without the unbundling of the prices of oil products we cannot tell for certain if the oil companies are already passing on the new excise taxes,” ani Zarate.

Sa ilalim ng nasabing batas, ang buwis sa diesel ay madaragdagan ng P1.50 kada litro habang ang gasolina, kerosene at lubricating oils ay muling papatawan ng P1 kada litro gayundin sa bawat kilo ng  liquefied petroleum gas (LPG)

Aabot din sa P1.50 ang bagong buwis na ipapataw sa bunker fules at petroleum coke kaya ayon kay Gaite, mabubura ang mababang inflation rate na naitala noong Nobyembre.

Sinabi ni Gaite na walang ibang papasan sa panibagong  oil price increase na ito sa simula ng 2020 kundi ang mga consumers dahil sa kanilang direktang sisingilin ang dagdag na buwis na ito

Maliban dito, tiyak na ipapasa na babawiin naman aniya ng mga negosyante ang kanilang dagdag na gastos sa produksyon at transportasyon ng kanilang produkto sa pamamagitan ng pagtataas ng presyo.

 

187

Related posts

Leave a Comment