(NI ABBY MENDOZA)
SIMPLE lamang ang naging kasuotan ng karamihan sa dumalo sa ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Karamihan sa mga dumalo ay nakasuot ng barong na gawa sa traditonal at indigenous fabric.
Alas 2:00 ng hapon ay nagsimula nang magsidatingan ang mga dadalo sa SONA kung saan ilan sa mga early birds ay sina House Speaker Alan Peter Cayetano, Senator Joel Villanueva at Communications Secretary Martin Andanar.
Karamihan sa mga opisyal na dumalo at bitbit ang kanilang mga asawa at partner.
Naging kapansin pansin ang kasuotan ng mga progressive congressman mula sa Makabayan Bloc na may mga advocady sash sa kanilang mga damit subalit bago magsimula ang SONA ay kinumpiska ito ng Presidential Security Grouo(PSG).
Ang suot ni Kabataan Rep. Sarah Elago ay may panawagan para sa proteksyon ng national sovereignity at wakasan ang patayan, ang suot naman ni Bayan Muna Rep Ferdinand Gaite ay nanawagan na tapusin na ang ENDO habang ang bitbit na pamaypay ni Gabriela Rep Arlene Brosas ay may nakalagay na “ Serbiisyo sa Ta, Huwag Gawing Negosyo”.
Binatikos naman ng Makabayan Bloc ang ginawang pagkumpiska sa kanilang mga sash na malinaw na pag atake umano sa kanilang karapatan ng malayang pagpapahayag.
“This does not only attack our democratic rights but this is an attack to the real State of the Nation of the People”ayon pa sa grupo.
Samantala, alas 5:00 na ng hapon nagsimula ang SONA ng Pangulo matapos na rin ma-delay ang paglipad ng kanyang chopper dahil sa sama ng panahon.
Si Pangulong Duterte ay dumating sa Batasan alas 4:53 ng hapon at natapos ang kanyang SONA speech alas 6:49 ng gabi.
Si Pangulong Duterte ay hindi na-late sa kanyang tatlong naunang SONA.
Matatandaan na nagkaroon lamang ng delay ang 2018 SONA nito nang magkaroon ng power play noon sa speakership ni dating House speaker Pantaleon Alvarez kung saan nailuklok si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
189