(NI BETH JULIAN)
GAYA ng nagdaang taon, si Director Joyce Bernal ang muling mangunguna sa official coverage ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ito ang kinumpirma ng mga opisyal ng Radio Television Malacanang sa ginanap na pulong sa media para sa ika-apat na SONA ng Pangulo sa Hulyo 22.
Ayon kay Malacanang Radio, TV director Pabalan, ipinakita na kay Direk Joyce ang mga bagong ilaw, LED screens at iba pang gamit ng Kongreso.
May mga nag-upgrade din sa mga equipment sa House of Representatives na gagamitin para sa SONA.
Si Bernal na kilala sa mga likha niyang comedy at romantic film, ay unang dinirek ang SONA ni Duterte noong nakaraang taon. Pinalitan niya ang kilalang indie film director na si Brillante Mendoza, na binatikos dahil sa kanilang mga creative shot at anggulo sa talumpati ng Pangulo.
Pangatlo nang pagkakataong idinerek ni Direk Joyce ang SONA ng Pangulo nang walang kabayaran gaya noong nakaraang taon.
172