SRP SA BIGAS ITATAKDA NG DTI

rice19

(NI ROSE PULGAR)

MAGTATAKDA na ng Suggested Retail Price (SRP) ang Department of Trade and Industry (DTI) sa bigas bago magtapos ang buwan ng Hulyo.

Dahil dito, inaasahan na bababa pa ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Layon ng rice tariffication law na nais na gawing mas abot-kaya ng mga consumers ang presyo ng bigas.

Ayon naman sa Department of Agriculture (DA) P25.00 lang ang bili ng mga importer sa imported na bigas.

Ang problema lang ay nakakaapekto rin ito sa kabuhayan, ng mga magsasaka.

Sa huling ulat bumaba nang bahagya ang presyo ng mga bigas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Magugunitang noong unang linggo ng buwan kasalukuyan ay bumaba ng P2 ang presyo ng kada kilo ng bigas

Base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) bumaba sa P39 hanggang P42 ang presyo ng kada kilo ng well-milled rice noong Hunyo mula P41 hanggang P44 kada kilo noong Hunyo 2018.

Ayon pa sa PSA , nasa P35 hanggang P38 naman ang kada kilo ng regular-milled rice mula P38 hanggang P40 kada kilo noong nakaraang taon.

Inihayag din ni Grains Retailers Confederation of the Philippines (Grecon) President James Magbanua, dumami aniya ang suplay ng bigas sa merkado dahil sa mga iniangkat na bigas bunsod ng Rice Tariffication Law.

142

Related posts

Leave a Comment