(NI JG TUMBADO)
MAY posibilidad umanong mga Pinoy suicide bombers ang may gawa sa madugong pagpapasabog sa kampo ng militar sa Barangay Kajatian, Indanan, Sulu, noong Biyernes saan kabilang ang mga sa walong nasawi.
Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde kasunod na rin ng teorya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi mga foreign nationals ang nasa likod ng pambobomba sa lugar.
Pero, ayon kay Albayalde, patuloy pa ang imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang suicide bombers.
Kung mapatutunayang mga Pinoy ang responsable ay ito ang magiging unang pagkakataon na mayroong local suicide bombers sa bansa.
Sa kasalukuyan ay wala naman namomonitor na banta sa Metro Mainla matapos ang Sulu bombing.
Nananatiling nasa full alert status ang militar sa Mindanao kaugnay ng madugong insidente.