(NI BETH JULIAN)
IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Durerte na mahalaga sa kanya ang resulta ng satisfaction rating sa mga survey.
Sa pinakahuling resulta ng SWS survey, pumalo sa +68 o very good ang net satisfaction rating ng Pangulo para sa ikalawang quarter ng taon pero patuloy na binibigyan diin ng Pangulo na mas mahalaga pa rin para sa kanya na magampanan ang kanyang tungkulin.
Higit na ikinatutuwa ng Pangulo na nakikitang kontento sa kanyang trabaho ang publiko pero kung hindi naman ay tuloy pa rin ang kanyang trabaho nang husto para sa mga Filipino.
Kaugnay nito, kumbinsido ang Malacanang na asahan nang sasama na naman ang loob ng mga kritiko ni Duterte matapos ang 80 percent satisfaction rating na nakuha nito.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kapag patuloy na sinisiraan ng mga kritiko si Duterte ay lalo naman itong pinagkakatiwalaan ng taumbayan.
Ayon kay Panelo, kung paano matindi umatake ang mga makakaliwa laban sa Pangulo ay tumitindi rin ang paghanga sa kanya ng mamamayan.
Sa kabila nito, sinabi ni Panelo na hindi pa naman huli ang lahat para sa mga kritiko dahil pwede pa rin nilang lunukin ang kanilang pride at yakapin ang panawagan ng Pangulo na pagkakaisa para sa ikabubuti ng bansa.
285