TEENAGE PREGNANCY KOKONTROLIN

buntis12

(NI BERNARD TAGUINOD)

DALAWANG dosenang baby ang naipanganganak ng mga teenager kada oras sa Pilipinas.

Ito ang nagtulak kina Laguna Rep. Sol Aragones at Albay Rep. Edcel Lagman na ihain ang House Bill 2297 o  “Prevention of Adolescent Pregnancy Act” at mapigilan ang teenage pregnancy sa bansa.

Sa paliwanag ng dalawang mambabatas sa kanilang panukala, noong 2014, lumabas sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 24 babies umano ang naipanganganak ng mga teenager kada oras.

“In fact, base on the Certificate of Live Births submitted by the Local Civil Registry Offices from 2011 to 2014, about one in every ten of child-bearing age was teenager,” ayon pa sa nasabing panukala.

Lumabas din umano sa 2014 Young Adult Fertility and Sexuality study na 14% sa mga batang babae na edad 14 hanggang 19 anyos ay buntis sa unang pagkakataon o kaya mga nanay na.

Doble anila ang bilang na ito kumpara sa nairekord noong 2002 kaya dapat umanong gumagawa ng batas ang Kongreso upang makontrol teenage pregnancy sa Pilipinas.

Dahil dito, nais nina Aragones at Lagman na magtulungan na ang Department of Education (DepEd), Technological Education and Skills Development Authority (TESDA), Commission on Higher Education (CHED), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Population Commission (POPCOM), National Youth Commission (NYC) at  local government units (LGUs) para sa bagay na ito.

“All education sector agencies shall develop and promote educational standards, modules, and materials to promote comprehensive responsible sexuality education in schools, communities, and other youth institutions,” ayon sa dalawang mambabatas.

Ang “Comprehensive sexuality education (CSE)  anila ay dapat umanong simulang ituro sa  Grade 5 kung saan tatalakayin ang “human sexuality, adolescent reproductive health, gender sensitivity at  life-skills”.

 

172

Related posts

Leave a Comment