LOVI POE GINAWANG TOUR GUIDE NG BRITISH BF

rey pumaloy(NI REY PUMALOY)

NAGMISTULANG tour guide sa kanyang kasintahang foreigner si Lovi Poe nang bumisita ito rito kamakailan lang.

Nakaposte sa Instagram wall ni Lovi ang larawan nilang dalawa ng boyfriend niyang US-based British writer-producer na si Montgomery Blencowe na hindi niya ipinakita ang mukha dahil nakatalikod sa kamera ang shot.

Sakay ng isang speed boat, naglayag sa Samal Island sa Davao ang magka­sintahan.

Sey ni Lovi sa caption ng photo, ikinagagalak nitong maging tour guide sa kasama sa iba pang mga lugar sa Pinas na gusto pa niyang ipakita sa lalake.

Marami pang dapat i-explore sa magagandang lugar sa bansa partikular na sa mga beaches nito.

Bukod sa Davao, nagpunta na rin si Lovi at si Montgomery sa Boracay at Pearl Farm.

Ikalawang foreigner dyowa na ito ni Lovi at inaasahan ng kanyang mga fans na magiging “for keeps” na ito.

      ###

Ibinuking ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram birthday greetings post para sa asawang si Sen. Kiko Pa­ngilinan na politika ang isa sa pinakamalaking differences nilang dalawa ng kanyang nasabing mister.

Sa message caption ng Megastar sa post, bagama’t magkaiba sila ng paniniwala, lagi naman silang nagkakasundo sa maraming bagay.

Sa caption sinabi pa ni Sharon na muntik na silang maghiwalay ni Kiko sa pinakamahirap na panahon ng kanilang pagsasama pero hindi pumayag ang kanyang mister na masira ang kanilang pamilya.

Sa deskripsyon ni Sharon sa qualities ni Kiko, maitutu­ring na isa itong perfect husband at father sa kanilang mga anak.

Si Kiko raw ang taong gusto niyang makasama sa lifetime, hanggang pagtanda at gigising sa kanya sa gitna ng pagtulog para patawanin lang siya.

Sa New York City idinaos nina Sharon ang birthday ni Kiko kasabay nang paghahatid nila kay Frankie sa pag-aaral nito ng college doon.

134

Related posts

Leave a Comment