(NI KOI HIPOLITO)
IKINALAT na ngayon araw ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang tracker teams na tutugis sa napalayang inmates sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Ito ay matapos ang 15-araw deadline na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte hatinggabi ng Huwebes.
Paalala ni NCRPO Chief PMGen. Guillermo Eleazar sa mga GCTA benificiaries na hindi nagpakita at ayaw sumunod sa utos ni Duterte, ituturing na silang mga pugante at isasailalim na sa warrantless arrest. Nagpakalat na rin umano sila ng mga tauhan na kumakatawan sa 26 police station sa NCR na ang trabaho ay tugisin ang mga natitirang napalaya sa kontrobersyal na GCTA na nanirahan sa Metro Manila.
Base sa record ng NCRPO, nasa 176 na napalayang PDL ang may address sa Metro Manila at nasasakupan ng 26 sa 38 NCRPO Police Stations ang hindi pa rin nagpapakita at isinusuko ang kanilang mga sarili.
Sinabi naman ni General Eleazar sa kanilang mga tracker teams na gawin ang kanilang mga trabaho tanda ng pagsunod at pagsuporta sa utos ng Pangulo na hanapin ang mga convicts na napalaya sa GCTA Law.
163