(NI CHRISTIAN DALE)
NIRESBAKAN ng Malakanyang ang ginawang pag-apruba ng US Senate committee na amyendahan ang pagbabawal na pumasok sa kanilang bansa ang sinumang Philippine government official na sangkot sa umano’y ‘politically motivated’ imprisonment ni Senador Leila De Lima.
Tinawag ito ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na ‘insulting’ at ‘offensive’ act.
Sa kalatas na ipinalabas ni Sec. Panelo, nakasaad dito na ang hakbang ng US Senate panel ay “brazen attempt to intrude” sa domestic legal process ng Pilipinas lalo pa’t ang mga subject case laban sa detinadong senador ay kasalukuyang dinidinig sa lokal na korte.
Sinabi pa ni Panelo na malinaw na inilalagay sa matinding pressure ang ‘independent institutions’ ng bansa dahil sa malinaw na pakikialam ito sa sobereniya ng Pilipinas.
“It is an insult to the competence and capacity of our duly constituted authorities as such act makes it appear that this US Senate panel has the monopoly of what is right and just. It is an outright disrespect to our people’s clamor for law and order,” ayon kay Sec. Panelo.
Binigyang diin pa ni Panelo na tila tinatrato ng US Senate panel ang Pilipinas bilang ‘inferior state’ na hindi marunong magpatakbo ng sariling usapin.
“All sensible Filipinos, regardless of their political or social association, should feel affronted and disrespected by this insulting and offensive act,” ani Panelo.
Samantala, ang nasabing amyenda ay isinampa ni US Senator Richard Durbin, isa sa limang American lawmakers na unang nanawagan na ibasura ang mga kasong isinampa laban kay Senador De Lima.
122