SUSPECT SA DORMITORIO HAZING, 6 NA

(NI JG TUMBAGO )

UMAABOT na ngayon sa anim ang mga suspek sa pagkamatay dahil sa hazing kay Philippine Military Academy Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

Hindi muna pinanganalan ni Police Colonel Allen Ray Co, director ng Baguio City Police, ang pinakahuling nadagdag sa listahan ng mga suspek ngunit isa aniya itong 2nd Class Cadet.

Ang ika-anim na suspek umano ang pinakahuling nanakit sa 20-anyos na kadete bago itinakbo sa ospital nuong Setyembre 17.

Ang nasabing kadete umano ang sumipa kay Dormitorio nang makita niyang nakahiga sa kanyang kama ang biktima.

Nauna nang pinangalanan sina Cadet 1st Class Axl Rey Sanopao at Cadets 3rd Class Felix Lumbag Jr. at Shalimar Imperial sa mga suspek sa hazing.

Nauna nang sinabi ng Baguio City Police na naranasan ni Dormitorio ang pagmamaltrato nang mawala nito ang combat boots na ibinilin sa kanya ng isa sa mga upperclassman.

167

Related posts

Leave a Comment