‘USMAN’ NAG-LANDFALL NA SA BORONGAN E. SAMAR

usman

INIHAYAG ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pag-landfall ng sentro ng bagyong ‘Usman’ sa bisinidad ng Borongan, Eastern Samar. Bago ang landfall, taglay ng bagyo ang lakas ng hanging 55kph at pagbugsong nasa 65kph.Nakataas pa rin ang tropical cyclone signal number one (1) sa Northern Palawan, kasama na ang Calamian at Cuyo Groups of Islands, Southern Quezon, Marinduque, Romblon, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate, pati na ang Ticao at Burias Islands, Southern Occidental Mindoro, Southern Oriental Mindoro, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu, kasama ang Camotes Islands, Aklan, Capiz, Iloilo, Guimaras, Antique, Northern Negros Occidental at Dinagat Islands. Katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang magpapatuloy sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol at Aurora habang maulan naman sa Metro Manila at Visayas ngayong Sabado.

14

Related posts

Leave a Comment