ABC PRESIDENT BINARIL SA SABUNGAN PATAY

Marlon Luancing

(Ni FRANCIS ATALIA)

PATAY ang isang barangay chairman sa Lipa City, Batangas  matapos barilin sa loob ng sabungan, Biyernes ng gabi (December 28).

Ang biktima ay nakilalang si Marlon Luancing ng Barangay Antipolo del Sur, Lipa City at kasalukuyang ABC president.

Sa report ng Batangas Police, bandang alas-otso ng gabi nang barilin sa Lipa Games and Amusement Complex sa Barangay Balintawak ang biktima.

Inaalam pa ng mga otoridad kung may kaugnayan sa politika ang pagpatay at kung sino ang nasa likod ng krimen.

6

Related posts

Leave a Comment