VP SARA KINONTRA SI MARCOS SA PAGBABALIK NG PINAS SA ICC

GINAGALANG ni Vice President Sara Duterte ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ikonsidera ang panukalang bumalik at muling sumama ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

“We should respect the position of the president being the chief architect of foreign policy so ‘yun dapat ang position nating lahat,” ayon kay VP Sara sa isang panayam sa sidelines ng National Children’s Month event.

Gayunman, nananatili naman ang posisyon ni VP Sara laban sa pakikipagtulungan sa ginagawang imbestigasyon ng ICC sa di umano’y pang-aabuso na nangyari sa panahon ng anti-illegal drugs campaign ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Pero we will continue to reach out to the Department of Justice regarding our position on this matter,” ang pahayag pa rin ni VP Sara.

Nauna rito, kinumpirma ni Pangulong Marcos ang posibleng pagbabalik-loob ng Pilipinas sa ICC gitna ng mga panawagan ng Kamara na makipagtulungan ang gobyerno sa imbestigasyon sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Subalit, kailangan pa rin aniyang sagutin ang tanong kung may hurisdiksyon ba ang ICC na isagawa ang imbestigasyon.

Taong 2019 nang tuluyang bumaklas ang Pilipinas sa ICC, isang taon matapos simulan ng korte ang paunang imbestigasyon sa war on drugs.

Winika ng Punong Ehekutibo na hindi tama para sa isang banyagang grupo na magdesisyon kung sino ang kanilang iimbestigahan o aarestuhin gayung gumagana naman ang justice system sa bansa.

(CHRISTIAN DALE)

94

Related posts

Leave a Comment