WIRETAPPING LAW LABAN SA DRUG SMUGGLERS PASADO SA KAMARA

WIRETAPPING LAW

(NI ABBY MENDOZA)

Aprubado sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8378 o ang panukalang batas na nagpapahintulot  na magsagawa ng wiretapping sa mga indibidwal o grupo na pinaghihinalaang sangkot iligal na droga at iba pang krimen.

Ang House Bill No. 8378 o “An Act to Prohibit and Penalize Wiretapping and Other Related Violations of the Privacy of Communication and for other Purposes” ay hangad na amiyendahan ang Republic Act No. 4200 o ang Anti-Wiretapping Act.

Layon ng panukala na dagdagang ang tapang ng gobyerno sa paghabol at pagpapanagot sa batas sa mga drug traffickers at smugglers.

Palalakasin nito ang kampanya laban sa illegal drugs ,piracy, robbery in band, highway robbery, graft and corrupt practices, syndicated illegal recruitment at money laundering.

Ipapasa ito sa Senado upang ito naman ang magpasa ng kaparehong panukalang batas hanggang makarating sa Bicameral Conference Committee.

181

Related posts

Leave a Comment