NAT’L MAC AND CHEESE DAY IPINAGDIWANG SA CAVITE CITY

KASABAY ng pagdiriwang ng National Mac and Cheese Day, tinatayang 300 residente ng Cavite City ang sumabay sa okasyon at kumain ng Caviteño cheese macaroni na inihanda para sa kanilang barangay nitong Linggo ng umaga, Hulyo 14.

Ang libreng agahan sa Brgy. 58M Patola, Cavite City ay handog ni Brgy. Captain Rizaldy Consigo sa kanyang constituents na isinabay sa pagdiriwang ng National Mac and Cheese day.

Bukod sa pambatong Caviteño cheese macaroni, isinabay rin sa agahan ang mainit na kape na may kasamang pandesal na may iba’t ibang palaman, sinangag, daing, tinapa, itlog, ham at longganisa.

Ang ideya ng pagpapakain ni Kapitan Consigo sa mga residente ay nagsimula nang magsalo-salo sa isang kainan ang kanyang mga opisyal at staff sa kanilang barangay hanggang sa naisip nitong gawin din sa nasasakupang barangay na itinaon sa pagdiriwang ng National Mac and Cheese Day para maitatak ang nasabing okasyon sa kanilang barangay ang nasabing petsa.

Inamin ni Brgy. Capt. Consigo na ang ginastos sa libreng almusal sa kanilang barangay ay kinuha niya sa kanyang sariling bulsa at plano nitong gawin kada buwan.

Ang National Mac and Cheese Day na orihinal na nagsimula sa Italy at Medieval England ay ipinagdiriwang na rin sa iba’t ibang bansa sa buong mundo kabilang ang Pilipinas. (SIGFRED ADSUARA)

153

Related posts

Leave a Comment