NEGOSYANTENG TSINOY PATAY SA AMBUSH

DEAD on the spot ang isang 34-anyos na negosyanteng Tsinoy makaraang paulanan ng bala habang lulan ng asul na Subaro sa Malate, Manila noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Naiquian Yuan, residente ng #75 Jerico St., Multinational Village, Parañaque City.

Habang mabilis namang tumakas ang riding in tandem makaraang isagawa ang krimen.

Batay sa ulat ni Det. Jorlan Taluban ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-3:55 ng hapon noong Agosto 2 nang mangyari ang pamamaril sa panulukan ng M.H. Del Pilar at Aldecos street sa Malate.

Ayon sa ilang testigo, lulan ng asul na Subaru (HW-1708) ang biktima nang bumaba ang angkas ng motorsiklo, nilapitan ang negosyante at pinagbabaril ito.

Matapos isagawa ang krimen, naglakad lamang ang gunman habang naghihintay ang kasama sa ‘di kalayuan sa lugar.

Hinala ng pulisya, hitman o bayaran ang dalawang suspek at hinihinalang may kinalaman sa negosyo ang krimen. (RENE CRISOSTOMO)

256

Related posts

Leave a Comment