2 BIKTIMA NG PEKENG KASAL NASABAT SA NAIA

DALAWANG biktima ng pekeng kasal sa Chinese man ang nasabat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES), ang dalawang biktima ay tinangkang makasakay ng Xiamen Air patungong China kasama ang umano’y kanilang asawang mga Chinese.

Sinabi ng mga biktima na may edad 36 at 24, papunta umano sila ng China upang bisitahin ang kanilang pamilya kasama ang umano’y asawa nila.

Ang isa ay nagpakita ng certificate of marriage mula sa Office of the Civil Registrar, pero inamin na wala siyang pinirmahan na anomang dokumento ng kasal at walang naganap na seremonya, at humingi lamang ng kanyang birth certificate at ipo-proseso na lamang nila ang mga dokumento.

Habang ang isa naman ay nagpakita ng Philippine Statistics Authority marriage certificate na may apostille certification, gayunman, inamim ng biktima na ang kanyang certificate ay inayos lamang ng kanyang ‘asawa’ sa pamamagitan ng ahente at wala rin naganap na seremonya.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, karamihan sa mga biktima ay mga taga probinsya na walang kamuwang-muwang sa modus operandi ng sistema ng pagpapakasal.

(JOCELYN DOMENDEN)

69

Related posts

Leave a Comment