MAG-AMA INARESTO SA ROBBERY

ARESTADO ang isang mag-ama sa kasong robbery nang matunton ng mga tauhan ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) ng Manila Police District sa Manila City Hall sa Arroceros Street, Ermita, Manila noong Huwebes ng umaga

Kinilala ang mag-amang sina “Carlos”, 60, at “Rafael”, 31, kapwa residente ng Tondo, Manila.

Ayon sa ulat ni Police Major Dave Garcia na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Orlando Mirando Jr., Acting chief ng DIDM, bandang alas-10:15 ng umaga nang mamataan ang mag-ama na dadalo sa fiscal hearing.

Agad na inimpormahan ng “asset” ang mga tauhan ni Major Garcia na nagresulta sa pagkakadakip sa mag-ama.

Ang mag-ama ay inaresto sa bista ng warrant of arret na inisyu ni Presiding Judge Amelia Tria-Infante, ng Regional Trial Court, Branch 9 ng Manila, sa kasong robbery.

(RENE CRISOSTOMO)

69

Related posts

Leave a Comment