ABALOS ‘ININGUSO’ SA ILLEGAL E-SABONG!

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

SI Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos ang dapat unang kumalampag sa Philippine National Police (PNP) upang masawata nang tuluyan ang pamamayagpag ng illegal na e-sabong sa bansa.

Ito ang sinabi ng opisyal mula sa ‘intelligence community,’ kasabay ng pagbibigay-diin na kung magiging seryoso lamang si Abalos upang ipatupad ang Executive Order No. 9 ng Pangulong Bongbong Marcos, walang dahilan para manatili pa ang ipinagbabawal na e-sabong sa Pilipinas.

Nabatid na sa kabila ng EO9 ni PBBM, tuloy ang illegal na sabong online na ang karamihan ay nakabase sa Central Luzon at Southern Tagalog.

Malinaw ang nakasaad sa EO No. 9 na pinalawig ni PBBM ang naunang kautusan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipagbawal ang ‘live streaming’ o ‘broadcasting live via online o internet’ ng anomang uri ng sabong.

Ngunit iba ang nangyayari ngayon partikular na sa lalawigan ng Bulacan na nasa ilalim ng pamamahala ni Col. Relly Arnedo bilang Police Provincial Director ng lalawigan.

Si Arnedo ay tao ni Police Regional Office (PRO) 3 chief Brig. Gen. Jose Hidalgo na direkta namang nakakapag-report kina PNP chief Gen. Benjamin Acorda at Sec. Abalos.

Ipinag-utos ang pagpapahinto sa dating legal na e-sabong nang sumambulat ang isyu ng 34 missing sabungeros na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ng pamahalaan.

Dahil sa direktiba ng Malakanyang, ang gambling genius na si Charlie ‘Atong’ Ang ay kaagad ipinahinto ang kanyang World Pitmaster Club na nakakuha ng prangkisa noon sa PAGCOR.

Dahil huminto, ilan sa mga tauhan nito ang nakipagkuntsaba ngayon upang ituloy ang online sabong kahit illegal.

Ilang operators ng illegal na e-sabong ngayon ay kilalang gambling lord sa Pampanga, ilang mayor sa Central Luzon, mga active at retired generals at local officials mismo.

Dahil PNP at local officials ang sangkot, malaki umano ang maitutulong ni Abalos para mapahinto ang illegal na e-sabong, lalo’t ‘alter ego’ siya ni PBBM.

Katunayan, ang illegal na online sabong sa Bulacan province ngayon ay nag-uumpisa tuwing alas-5:00 ng hapon.

Sinabi ng source na pinapatapos muna ang ‘face to face’ sabong sa umaga at ‘starting 5pm’ ay tuloy na ang ligaya para sa ipinagbabawal na e-sabong.

Isang J Colonel ang kolektor umano ng isang mataas na opisyal sa Camp Olivas ng PRO3 kaya malakas ang loob ng mga gambling operator na magsagawa ng e-sabong mula alas-5:00 ng hapon hanggang madaling araw.

Tumatanggap umano ng milyon pisong kotong si J Colonel bilang ‘protection money’ sa malayang illegal na operasyon ng sindikato sa Bulacan.

Si J Colonel din ang sinasabing tumatanggap ng tongpats mula naman sa mga POGO operations sa Region 3, gayundin ang putahan, prostitusyon, pati ang paihi, smuggling ng gasolina at pekeng sigarilyo, pati sugal lupa.

Ininguso naman na may hayagang illegal na e-sabong sa Malolos Cockpit Old Arena, Sta. Maria Square Cockpit Arena, Balagtas Arena, Sta Maria Square Coliseum.

Mayroon din umano sa Clint Eryx Cockpit Arena sa bayan ng Balagtas na minamantine ng isang alyas Erwin G.

Lantaran din ang illegal e-sabong sa Meycauayan Cockpit Arena, Bgy. Pandayan, Meycauayan, Bulacan.

Ganundin sa bayan ng Bustos, Bulacan.

Sa New Marilao Coliseum, Bgy. Abangan Norte, Marilao ay may illegal e-sabong din na minamantine naman ng isang konsehal ng bayan.

Isang alyas Lando naman ang umano’y namamahala ng illegal e-sabong sa Norzagaray Cockpit Arena.

Sa Angat Bulacan Coliseum ay isang konsehal din ng bayan ang ‘protector’ ng illegal na e-sabong.

Bukod sa illegal online sabong ay talamak din ang sakla, jueteng są Meycauayan at Marilao na mine-maintain ng isang alyas Benz.

Ipinagmamalaki ni Benz bilang protektor at padrino ang dalawang local officials.

Samantala, may poker game rin sa Marilao, Bulacan, bukod pa sa illegal na e-sabong.

Sa mga impormasyong ganito, naniniwala ang ‘intel community,’ na masasawata lamang sila kung mismong si Abalos ang sasalakay sa illegal na online sabong.

Mahalagang ipatupad din aniya ang ‘one strike policy’ sa buong PRO3 at Bulacan PNP, ayon pa sa source.

170

Related posts

Leave a Comment