ARMADONG MAY HINAHABOL, INARESTO

ISINELDA ng Manila Police District ang isang 32-anyos na tambay makaraang maaktuhan ng dalawang barangay tanod na may hinahabol habang armado ng screw driver sa panulukan ng Dandan at Osmeña Streets, Tondo, Manila noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Alvin Flores, binata, ng Barangay 112 sa Tondo.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, commander ng MPD-Raxabago Police Station 1, bandang alas-6:00 ng gabi, habang nagroronda sina Larry Figueroa at Jimmy Esteban, kapwa tanod ng Brgy. 117, Zone 9, nang mamataan ang isang lalaki na armado ng screw driver na pinatulis.

Bunsod nito, inaresto ng mga tanod ang suspek at itinurn-over sa himpilan ng pulisya.

Ang suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Article 282 ng Revised Penal Code (Grave Threat), Article155 ng RPC (Alarm and Scandal), BP 6 (Illegal Possession of Deadly Weapon), at BP 881 (Omnibus Election Code).

(RENE CRISOSTOMO)

198

Related posts

Leave a Comment