BATO TINAWAG NA IRESPONSABLE

TINAWAG ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na iresponsable si Senador Ronald “Bato’ dela Rosa kasunod ng alegasyon nito na ang layon ng imbestigasyon ng Kamara ay para idiin siya kasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinastigo rin nina Deputy Speaker David Suarez at Tingog party-list Rep. Jude Acidre si Dela Rosa dahil sa alegasyon nito na pine-pressure ng Kamara ang mga kasalukuyan at dating opisyales ng Philippine National Police (PNP) para tumestigo laban sa kanila ni Duterte sa extrajudicial killings noong panahon kanilang war on drugs.

“Senator Dela Rosa’s accusations are not only unnecessary but also unparliamentary and unbecoming of a public servant. The House leadership has always acted with the utmost integrity, and it is highly irresponsible for anyone to suggest that they are behind a witch hunt against Senator Dela Rosa or former President Duterte,” ani Suarez.

Ayon sa mambabatas, masyadong malalim na ang Chinese mafia sa Pilipinas dahil lumalabas sa magkakahiwalay na imbestigasyon ng Kamara na ang mga ito mismo ang nasa likod ng illegal drugs trade sa bansa at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na hindi dapat pabayaan.

Dahil dito, walang basehan umano ang alegasyon ni Dela Rosa na sila ni Duterte ang target ng nasabing imbestigasyon at iginiit na wala itong halong pulitika.

“This investigation is about uncovering the truth behind the syndicates involved in illegal drugs and POGOs. It is not, and never has been, about politics,” paliwanag pa ni Suarez.

Sinabi naman ni Acidre na kung talagang nais ni Dela Rosa na maresolba ang problemang kinakaharap ng bansa laban sa mga Chinese mafia ay walang dahilan para hindi ito makipagtulungan sa imbestigasyon ng Kamara.

“Senator Dela Rosa’s remarks are deeply disappointing. Instead of cooperating with the investigation to shed light on the issues, he has chosen to launch personal attacks against the House leadership, which has done nothing but ensure that the House exercises its oversight functions effectively,” ani Acidre.

Kinontra naman ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pahayag ni Dela Rosa na ayaw nitong humarap sa imbestigasyon ng Kamara na lalabagin nito ang parliamentary courtesy dahil siya mismo ay panay aniya ang padala ng imbitasyon kay Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel para humarap sa kanyang imbestigasyon sa pagrerecruit sa mga kabataang estudyante para maging New People’s Army (NPA).

“Eh siya mismo ang nag-iimbita kay Congressman Manuel. Bakit kapag siya ang inimbitahan bawal?,” ani Barbers. (BERNARD TAGUINOD)

83

Related posts

Leave a Comment