BBM NAGPOSITIBO SA COVID-19

NAGPOSITIBO sa antigen test para sa COVID-19 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, may bahagyang lagnat ang Pangulo, Biyernes ng umaga pero tiniyak na maayos ang kalagayan nito.

Aniya pa, pinayuhan na ng Presidential Management Staff (PMS) ang mga taong nakasalamuha o nagkaroon ng close contact sa Pangulo na obserbahan ang kanilang sarili kung may sintomas sila ng COVID bilang bahagi ng protocol.

Hinggil naman sa iskedyul ng Pangulo, sinabi ni Sec. Cruz-Angeles na si Executive Secretary Vic Rodriguez ang dumalo sa meeting/briefing hinggil sa usapin ng security, “on behalf of the President.”

Dahil dito, hindi nakadalo ang Pangulo sa ika-246 anibersaryo ng US Independence sa US Embassy kahapon.

Gayunman, dumalo ito virtually upang magbigay ng mensahe sa League of Governors and Mayors meeting kinagabihan.

“This part of the continuing campaign for a series of vaccinations and booster shots in preparation for the face to face opening of classes this school year,” ayon kay Sec. Cruz-Angeles.

Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire naman ang nagsagawa ng presentasyon.

Samantala, negatibo sa COVID-19 test si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos habang si First Lady Marie Louise “Liza” at mga anak na sina Joseph Simon at William Vincent ay hindi na-expose dahil out-of-town ang mga ito. (CHRISTIAN DALE)

64

Related posts

Leave a Comment