KINUMPIRMA ng anak ni Camarines Norte 2nd District Representative Mirasol “Toots” Patones na pumanaw na ang kanyang ina kahapon ng madaling araw.
“It is with deep sorrow to announce the passing of my mother Congw. Marisol “Toots” Panotes—a loving mother, a loving wife, a loving grandma and a good public servant,” ayon sa FB post ng anak ni Patones na si Rosemarie.
“Your prayers will be much appreciated in this most difficult time,” ayon pa sa post ni Rosemarie.
Base naman sa mga FB post ng mga supporter ni Patones sa Camarines Norte, pumanaw ang mambabatas dakong ala-una ng madaling araw kahapon, Biyernes, Abril 29.
Gayunpaman, hindi nagbigay ng impormasyon ang anak ni Patones at maging ang mga supporter ng mambabatas kung ano ang sanhi ng pagpanaw ng vice chairman ng House Committee on House Disaster Resilience and Population at Committee on Family Relations.
“We are saddened by the news on the untimely death of our colleague from the second district of Camarines Norte, Rep. Marisol Conejos Panotes.
We condole with her family, relatives and friends at this difficult time,” pahayag ni House Majority Leader Martin Romualdez.
Sinabi ng Romualdez na isa si Patones sa mga aktibong miyembro ng Majority bloc sa Kamara dahil bukod sa vice chairperson ng dalawang nabanggit na komite ay miyembro ito ng 14 iba pang committee.
Kabilang na rito ang committees on Foreign Relations, Basic Education and Culture, Higher and Technical Education, Banks and Financial Intermediaries at Bicol Recovery and Development.
“We will surely miss her. May she rest in peace,” dagdag pa ni Romualdez. (BERNARD TAGUINOD)
132