CAMPAIGN EXPENSES PINATATAASAN

AMINADO si Senador Lito Lapid na panahon nang itaas ang pinapayagang gastusin sa kampanya tuwing national at local elections.

Sa inihaing Senate bill 2460 ni Lapid, nais nitong bigyang mandato ang Commission on Elections o COMELEC na i-update o itakda ang limitasyon sa campaign expenses depende sa pabago-bagong economic condition dahil sa inflation.

Sinabi ni Lapid na tatlong dekada na simula nang isabatas ang tatlong piso hanggang sampung pisong limit sa campaign expenses kada botante na sa ngayon ay halos wala nang halaga.

Nagbabala si Lapid na ang lumang batas sa allowable campaign expenses ay maghihikayat lang sa mga kandidato at political parties na mag- underreport o dayain ang ulat sa kanilang aktwal na gastusin sa kampanya.

Sa ilalim ng panukala ni Lapid, ang campaign expense limit sa bawat botante para sa presidential candidate ay P50, habang sa vice-president ay P40 at P30 para sa senator, district representative, governor, vice-governor, board member, mayor, vice-mayor, councilor, at party-list representative habang mananatili sa P5 sa mga independent candidate.

Para sa political parties, itinaas ang ceiling cap mula sa P5 ay gagawin ng P30 sa bawat botante.

(Dang Samson-Garcia)

352

Related posts

Leave a Comment