CHOP-CHOP VICTIM ISINAKO, INIWAN SA HARAP NG NBI

NATAGPUAN sa harap ng tanggapan ng National Bureau of Investigation sa Bacolod City, ang frozen na chop-chop na katawan ng isang lalaking sangkot umano sa ilegal na droga.

Hindi pa inilalabas ang pagkakakilanlan ng biktima habang hinihintay pa mula sa isang team ng technical division sa NBI Manila, ang isinasagawang imbestigasyon.

Samantala, itinanggi ni NBI Bacolod chief Renoir Baldovino ang mga ulat na nagkaroon ng lamat sa pagitan ng dalawang ahente ng NBI Bacolod na maaaring may kaugnayan sa kaso ng chop-chop na katawan ng tao.

Sinabi ni Baldovino, ang mga taong nag-iwan ng mga bahagi ng katawan sa harap ng tanggapan ng NBI sa Bacolod City ay posibleng gustong takutin o siraan sila dahil sa kanilang aktibong kampanya laban sa ilegal na sugal.

Binigyan-diin din ni Baldovino na nagkataon lamang na ang CCTV camera sa NBI office ay nakapatay nang matagpuan ang body parts.

Kaugnay nito, bumuo na ng special team ang City Police Office na mag-iimbestiga hinggil sa pagtapon sa chop-chop na katawan ng biktima sa harap ng NBI office sa lungsod.

(RENE CRISOSTOMO)

82

Related posts

Leave a Comment