CLICK Partylist, #34 sa balota sa May 2025 elections

ITINALAGA ang CLICK Partylist sa #34 na posisyon sa opisyal na balota para sa darating na May 2025 National and Local Elections sa isinagawang raffle ng Commission on Elections (COMELEC) noong Biyernes, Oktubre 18, 2024.

Sinabi ni Atty. Nick Conti, ang first nominee ng CLICK Partylist, na nagagalak ito at nanawagan sa lahat ng mga tagasuporta na alalahanin ang makabuluhang bilang na ito.

“Ipinagmamalaki namin na maging #34 kami sa balota. Isa itong numero na inaasahan naming isaisip ng aming mga tagasuporta habang ipinagpapatuloy namin ang aming adbokasiya para sa mas malawak na digital access, innovation, at empowerment sa pamamagitan ng teknolohiya,” wika ni Atty. Conti pagkatapos ng raffle.

Ang raffle, na isinagawa sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila, nagtakda ng pagkakasunud-sunod kung saan ang mga partylist group, organisasyon, at koalisyon ay lalabas sa opisyal na balota.

Naaayon ang kaganapan sa COMELEC Resolution No. 11068, na tinitiyak ang isang patas at malinaw na proseso sa pagtukoy ng mga posisyon sa balota.

Layunin ng CLICK Partylist na kumatawan sa mga pangunahing stakeholder ng digital ecosystem ng Pilipinas, na kinabibilangan ng mahigit 85 milyong internet user, 156 milyong mobile connections, 84 milyong social media users, at 80 milyong GCash at mobile wallet users.

Ang umuunlad na komunidad na ito, binubuo din ng 57 milyong mamimili ng e-commerce, 10 milyong gumagamit ng cryptocurrency, 48 milyong mahilig sa esports, 1.5 milyong freelance content creator, mahigit 2 milyong online na nagbebenta, at 2.2 milyong OFW at 12.3 milyong senior citizen.

Ang mga grupong ito ay mga pangunahing tagapag-drive ng teknolohikal at pang-ekonomiyang pag-unlad sa bansa, at ang kanilang mga kontribusyon at pangangailangan ay sentro sa paghubog ng hinaharap ng digital connectivity at innovation.

“Hinihikayat namin ang lahat ng aming mga tagasuporta na alalahanin ang #34 sa balota,” pagtatapos ni Conti.

128

Related posts

Leave a Comment