CRIME RATE SA PILIPINAS BUMABA – PNP

BUMABA nang malaking porsyento ang crime rate sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police, patunay rito ang naitalang pagbaba sa index crimes at focus crimes nitong unang kalahati ng taon.

Ayon sa PNP-Directorate for Investigation and Detective Management, nakapagtala ng pagbaba sa crime rate sa bansa nitong ikalawang quarter ng taon mula Abril 24, 2023 hanggang Hulyo 30, 2023.

Sa ibinahaging ulat, bumaba ang crime index ng 10 porsyento sa unang anim na buwan ng taon.

Ayon kay Col. Jean Fajardo, PNP Information Officer, nasa 18,660 ang index crimes na naitala mula Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan, mas mababa sa 20,765 na insidente na iniulat sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Sa datos ng PNP-DIDM Crime Research Analysis Center, bumaba ng 6.69% ang Total Peace and Order Indicator o katumbas ng 3,737 incidents sa kabuuang 52,163 na naitalang krimen sa comparative period na mas mababa kumpara sa 55,900 incidents na naitala noong taong 2022 ng parehong panahon.

Nakapagtala ng malaking pagbaba ang pambansang pulisya base sa naitalang index crime volume na bumaba sa 17.26%.

Habang bumaba rin sa 17.11% ang a naitalang focus crimes sa bansa na may kaugnayan sa krimen laban sa tao gaya ng murder, homicide, physical injury, robbery, theft, rape, carnapping, at iba pa at nasa 3.97% naman ang naitalang pagbaba sa non-index crime volume.

Ang lahat ng mga ito ay nakapagrehistro ng pagbaba ng bilang ng mga iniulat na kaso, maliban sa robbery at homicide, na bahagyang tumaas.

Siyam na na porsyento ang ibinaba ng theft; 18 porsyento sa rape; 20 porsyento sa physical injury; 2 porsyento sa murder; 9 porsyento sa carnapping ng motorsiklo; at 29 porsyento ang ibinaba ng carnapping of motor vehicle.

Habang tumaas naman ng 7 porsyento ang robbery at halos 3 porsyento naman ang homicide.

Nangunguna ang Luzon sa mga rehiyon na nagpakita ng may pinakamalaking bilang ng pagbaba ng krimen na nasa 17.80%, na sinundan naman ng Visayas na may 19.17%, at Mindanao na nakapagtala ng 13.18% na pagbaba sa bilang ng krimen. (JESSE KABEL RUIZ)

521

Related posts

Leave a Comment