DELAY SA BAKUNA NG PHL, ‘BLESSING IN DISGUISE’ – SOLON

ITO ang pananaw ni Senate Committee on Health Chairman Senador Christopher Bong Go na hindi kasama ang Pilipinas sa mga naunang bansang nakabili ng bakuna kontra COVID-19.

Ipinaliwanag ni Go na makikita kasi ang epekto ng mga bagong bakuna sa mga bansang unang gumamit para na rin sa ika-kakampante ng isip ng mga Pilipino.

Ayon kay Go, sa kanyang pag-iikot sa buong bansa, napatunayan niyang marami talagang Pilipino ang takot na magpabakuna kontra COVID-19 dahil sa pangamba sa side effect nito.

Ito aniya ang dahilan kaya hinihikayat niya ang mga opisyal na maunang magpaturok oras na dumating na sa bansa ang bakuna para makuha nila ang tiwala ng sambayanan na agad namang tinugon ni
Vaccine Czar Carlito Galvez.

Tiwala naman si Go na makukuha ang tiwala ng mamamayan kapag napatunayang epektibo ang mga bakuna lalo na pagkatapos ng clinical trial na isasagawa sa bansa kung saan tatlong kompanya ang nag-apply para sa approval ng pagsasagawa nito sa bansa.

Kinalma naman ni Go ang sambayanan kasabay ng pagtiyak nito na palaging binabalanse at kapakanan ng sambayanan ang inuuna ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bawat desisyon na ginagawa nito. (ESTONG REYES)

33

Related posts

Leave a Comment