DUMP TRUCK DRIVER INATAKE SA PUSO, 2 SASAKYAN SINALPOK

DALAWANG sasakyan ang sinalpok ng isang 45-anyos na dump truck driver nang atakihin sa puso habang nagmamaneho sa UN Avenue, Ermita, Manila noong Sabado ng hapon.

Idineklarang dead on arrival sa ospital dahil sa atake sa puso ang driver ng dump truck na si Ramil Carillosa, binata, ng Bocaue, Bulacan

Base sa ulat ni Police Major Jaime Gonzales, Jr., hepe ng Vehicular Traffic Section ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-5:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa lugar.

Habang tinatahak umano ng dump truck ang eastbound lane nang atakihin sa puso ang driver nito kaya nabundol ang isang SUV na minamaneho ni Virgilio Federez, 30, at isang tricycle na minamaneho naman ni Moses Gabat, 35-anyos.

Agad namang isinugod sa nasabing ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

(RENE CRISOSTOMO)

86

Related posts

Leave a Comment