E-TRAINS AT E-TRICYCLES LABAN SA MGA SAKIT DULOT NG AIR POLLUTION

GINANAP ang isang historical closing at awarding ceremony ng isang national environmental watchdog sa Cuneta Astrodome kahapon kasama ang Philippine National Railways (PNR) sa pamumuno ni PNR Chairman Michael Ted Macapagal at ang buong Metro Manila Tricycle Operators and Drivers Association (NCR-TODA) na pinangunahan ng Presidente nito na si Ace Sevilla.

Ayon sa Clean Air Philippines Movement, Inc. (CAPMI), naganap ang selebrasyon sa pakikipagtulungan ng Pasay City Local Government sa pangunguna ni Mayor Emi Calixto -Rubiano at ng grupong nagbabantay sa kalikasan ng bansa.

Sinabi ng CAMPI na ang Electric trains at electric tricycles ang sagot nila laban sa mga nakamamatay na sakit ng tao at Climate Change na dulot ng maruruming usok na binubuga ng mga sasakyan.

Inanunsyo ni PNR Chairman Macapagal na ang mga luma at mauusok na PNR trains ay papalitan na ng electric trains na kasama sa 2024 PNR Modernization Initiative na sinisimulan niya.

Sa nasabing parangal para sa mga 2023 “Clean Air Champions” sa Pasay City, sinasang-ayunan din ni NCR TODA President Ace Sevilla na dapat magpalit na ng mga mas malinis at ligtas na uri ng mass public transportations para maiwasan ang mga sakit sa mga kababayan natin at ang climate emergency.

146

Related posts

Leave a Comment