SMARTMATIC DISQUALIFIED NA SA COMELEC PROCUREMENT

DINISKWALIPIKA na ng Commission on Elections (Comelec) ang technology provider Smartmatic sa paglahok sa lahat ng procurement ng ahensya.

Inihayag ito kahapon ni Comelec chairman George Garcia.

“We have to maintain integrity to our electoral process. Para sa bayan,” ayon pa kay Garcia.

Matatandaang nanawagan sina former Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio, ex-Comelec Commissioner Augusto Lagman at iba pang petitioners na repasuhin ang qualifications ng Smartmatic matapos ang mga iregularidad umano sa nakalipas na 2022 polls.

Gayunman, nilinaw ni Garcia na walang kinalaman ang petisyon ng mga nabanggit sa naging desisyon nila laban sa Smartmatic.

Ang Smartmatic ay nagsilbing poll technology provider ng bansa mula 2010.

(JOCELYN DOMENDEN)

130

Related posts

Leave a Comment