FUEL TANKER TUMAGAS

NAALARMA ang mga residente nang tumagas ang isang Isuzu tanker na naglalaman ng kemikal sa panulukan ng Pedro Gil St. at Quirino Avenue, Malate nitong Linggo ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng isang Dominador Evangelista, 36, driver, bandang alas-4:00 ng madaling araw nang tumagas ang kemikal mula sa mimamaneho niyang tanker na may plakang CAY-1606, sa naturang lugar

Agad siyang huminto at kinumpuni ang butas mula sa tanker.

Mabilis namang nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), sa pangunguna nina Manila Team Leader, Fire Superintendent Leo Andiso at Fire Chief Inspector Michael Ignacio.

Nagresponde rin ang mga tauhan ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTU) para naman mangasiwa sa trapiko.

(RENE CRISOSTOMO)

89

Related posts

Leave a Comment