GINANG PATAY SA KAGAWAD

BATANGAS – Patay ang isang 51-anyos na ginang matapos barilin ng isang kagawad sa Brgy. Pag-olingin West, Lipa City, noong Sabado ng hapon.

Kinilala ng Lipa City Police ang biktimang si Marilyn Escartin, taga San Juan, Batangas.

Ayon sa report ng pulisya, dakong alas-4:30 ng hapon, naglalakad ang biktima nang lapitan ito ng suspek na kinilala sa pangalang “Joey”, kagawad ng Brgy. Pag-olingin East, armado ng maiksing kalibre ng baril, at ilang beses na pinaputukan ito.

Mabilis na tumakas ang kagawad matapos ang pamamaril habang hindi na naisugod sa ospital ang biktima na nalagutan ng hininga sa crime scene.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang pulisya para sa ikadarakip sa suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang posibleng motibo sa krimen.

(NILOU DEL CARMEN)

168

Related posts

Leave a Comment