GUNMAN SA JUMALON SLAY HAWAK NA NG PNP

NASA kustodiya na ng pulisya ang pangunahing salarin sa pagpatay sa radio broadcaster na si Juan “DJ Johnny” Jumalon.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, naaresto ang suspek na si Julito Mangumpit, alyas Ricky sa Dipolog City kahapon ng alas-3:10 ng umaga sa operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Misamis Occidental at Zamboanga Del Norte PNP.

Bukod sa pagpatay kay Jumalon, mayroon pa umanong walong outstanding warrant of arrest ang suspek sa mga kasong murder, frustrated murder, direct assault at paglabag sa RA 9165.

Matatandaan, binaril habang nagpoprograma si Jumalon noong Nobyembre sa Calamba, Misamis Occidental.

Pumasok sa tirahan ni Jumalon, na nagsisilbing radio booth, ang gunman na nagpanggap na may importanteng ipaaanunsyo ngunit biglang naglabas ng baril at pinaputukan ang broadcaster.

Bago tumakas ay pinagnakawan pa nito ang biktima.

Noong Marso, naaresto ang magpinsan na kasamahan ni Mangumpit na kinilalang sina Boboy Sagaray Bongcawel aka, ‘Boboy’ at Renante Saja Bongcawel, aka, ‘Inteng.’

Sinasabing mga kasapi ng gun for hire group ang mga suspek.

(JESSE KABEL RUIZ)

100

Related posts

Leave a Comment