VILLANUEVA DUMALO SA 68TH AKLAN DAY

DUMALO si Senate Majority Leader Joel Villanueva bilang guest speaker sa pagdiriwang ng ika-68 Aklan Day noong nakaraang April 25.

Sa kanyang talumpati, binigyan-diin ni Villanueva ang mahalagang kontribusyon ng lalawigan sa kaunlaran ng ekonomiya ng bansa pagdating sa turismo kung saan 2 milyon turista ang bumisita rito noong nakaraang taon.

Pinangunahan din ng majority leader, kasama sina Governor Joen Miraflores, Vice Governor Boy Quimpo at mga lokal na opisyal ang pamamahagi ng educational assistance sa 1,000 estudyante mula sa 17 bayan ng Aklan at ang groundbreaking ceremony ng Aklan Sports Training and Wellness Center.

(DANNY BACOLOD)

52

Related posts

Leave a Comment