KOREANO NAGBIGTI SA CONDO

NATAGPUANG nakabigti ang isang 49-anyos na Korean national sa tinutuluyang condominium unit sa Adriatico Street, Malate, Manila noong Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Park Jae Eluing, hinihinalang ilang araw nang patay.

Base sa ulat na isinumite ni Det. John Teddy Siguen kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, nadiskubreng nakabigti ang Koreano noong Pebrero 21.

Ayon kay Police Major Edwin Fuggan, hepe ng Remedios Police Community Precinct, sakop ng Ermita Police Station 5, masusing iniimbestigahan ang insidente upang mabatid kung may nangyaring foul play sa pagkamatay ng biktima.

(RENE CRISOSTOMO)

52

Related posts

Leave a Comment