RIDER NA PARAK PATAY NANG SUMALPOK SA TRUCK

SOUTH COTABATO – Patay ang isang pulis matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa likuran ng isang trailer truck sa National Highway, Barangay Saravia, Koronadal City sa lalawigan.

Kinilala ang biktimang si Patrolman Eric John Sulam, residente ng Barangay Poblacion, bayan ng Tupi, at nakatalaga sa Koronadal PNP.

Ayon sa Operations and Response Center ng CDRRMO, nangyari ang aksidente dakong alas-4:30 ng umaga, habang patungo sa Tupi ang prime mover truck.

May marinig na lamang umano ang driver ng truck na kalabog sa likuran at inakala nitong gulong ng sasakyan ang sumabog.

Ngunit nang tingnan ito ng driver, nakita ang nakabulagtang biktima na malubhang napinsala ang ulo, naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang driver ng truck matapos ang insidente habang patuloy pa ang imbestigasyon .

(NILOU DEL CARMEN)

54

Related posts

Leave a Comment