LGUs INAWAT NG SOLON SA BIGLAANG LOCKDOWNS

NANAWAGAN si Senadora Grace Poe sa mga lokal na pamahalaan na huwag maging pabigla-bigla sa pagpapatupad ng granular lockdown sa mga komunidad.

Sinabi ni Poe na dapat ay mabigyan ng mga paunang abiso ang mga residente bago isarado ang anomang lugar.

Sa pamamagitan anya ng mga abiso, magkakaroon ng pagkakataon ang mga residente na makapag-imbak ng kanilang pagkain, gamot, tubig na inumin at iba pang mga pangunahing pangangailangan kahit na inaasahan nila ang tulong mula sa lokal at nasyunal na pamahalaan.

Ang mga miyembro ng pamilya na naghahanapbuhay ay dapat na bigyan ng sapat na oras para makabalik sa kanilang mga tahanan at ipaalam sa kanilang mga pinapasukan hinggil sa posibilidad ng kanilang pagliban sa trabaho dahil sa lockdown.

Ito ay upang hindi naman sila magkaroon ng problema sa trabaho.

“Lockdowns can be used as means to save lives without killing livelihoods and further inflicting suffering on our people,” saad ni Poe. (DANG SAMSON-GARCIA)

144

Related posts

Leave a Comment