LINDOL NARAMDAMAN SA METRO MANILA

NAGLABASAN ang mga kawani ng Senado kabilang ang mga senador nang maramdaman ang pagyanig dulot ng 5.7 magnitude na lindol na tumama sa Lubang, Occidental Mindoro, alas-4:23, Martes ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 79 kilometro.

Naramdaman din ang pag-uga sa ilang bahagi ng Luzon maging sa Metro Manila.

Bunga nito, pansamantala ring huminto ang operasyon ng mga tren habang nararamdaman ang mga pagyanig, ayon sa DOTr.

(DANNY BACOLOD)

125

Related posts

Leave a Comment