(NI ABBY MENDOZA)
ISANG low-pressure area (LPA) na nasa loob ng bansa ang nagdadala ng pag-uulan sa malaking bahagi ng Visayas subalit hindi ito magiging ganap na bagyo.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Atronomical Services Administration(Pagasa) maliit ang tiyansang maging bagyo ng LPA na huling namataan 975 km east ng Catarman, Northern Samar.
Sinabi ni Pagasa weather specialist Ariel Rojas na ang buntot ng LPA ang naghahatid ng pag-uulan sa Bicol Region, Eastern Visayas, Dinagat Islands, Surigao del Norte at Surigao del Sur habang ang hanging habagat ang nakaaapekto sa Luzon.
Asahan umano ang kalat-kalat na pag-uulan lalo sa hapon kasama ang Metro Manila.
Ang bansa ay nakakaranas ng 20 bagyo kada taon subalit ngayong 2019 kung saan may El Nino Phenomenon ay 14 hanggang 18 tropical storms ang inaasahan.
Ngayong Agosto ay hanggang apat na bagyo ang inaasahang papasok sa bansa habang sa Setyembre ay dalawa hanggang apat din at inaasahan ng Pagasa na malalakas ang bagyo na papasok sa susunod na buwan.
133